RIGHTEOUSNESS APART FROM THE LAW
Exalt: “I Stand in Awe of You”
Empower: Romans 3:27-28
Romans 3:27-28 - Where is boasting then? It is excluded. By what law? Of works? No, but by the law of faith. Therefore we conclude that a man is justified by faith apart from the deeds of the law.
Hindi kailanman layunin ng Kautusan na gawing matuwid ang makasalanang sangkatauhan sa pamamagitan ng sariling pagsisikap nito. Ito ay isang regalo; kaya’t walang maipagmamalaki ang sinuman. Kung ang katuwiran ay isang bagay na makakamit sa pamamagitan ng mabubuting gawa, hindi na ito matatawag na regalo o kaloob (gift) kundi gantimpala para sa pagsisikap ng tao. Tandaan, inilalantad lamang ng Kautusan ang kasalanan (tinutukoy ang pagsalansang na ginagawa ng tao) at ipinapakita ang pangangailangan niya ng Tagapagligtas. The Law points to Christ!
Kung pagsunod sa Kautusan ang pag-uusapan, walang maipipintas kay Pablo; marami Siyang maaaring ipagmalaki (i.e. performance and achievements). Isa siyang Pariseo at masigasig sa pagsunod sa Kautusan at relihiyong Judaismo, dahilan upang usigin at ipapatay niya ang mga unang mananampalataya (before he encountered Christ). Subalit, nang masumpungan siya ni Cristo at naipahayag sa kanya ang mayamang biyaya ng Diyos, nabuksan ang pang-unawa niya sa napakagandang plano ng kaligtasan ng Diyos para sa sangkatauhan; hindi lamang para sa mga Hudio, kundi sa mga Hentil. Naunawaan niya kung paano itinuturing na matuwid ang tao, at ito’y sa pamamagitan lamang ng pananampalataya at hindi sa pagsunod sa Kautusan.
Kaya nga, itinuring niyang kalugihan (loss) at basura (rubbish) ang lahat (i.e. mga bagay na maaari niyang ipagmalaki), makamtan at makilala lamang niya si Cristo. At ito rin nawa ang naisin natin - ang makilala ng lubusan si Cristo at ang kapangyarihan ng Kanyang muling pagkabuhay (the power of His resurrection). Knowing Christ (i.e.understanding His finished work) empowers us to fulfill the purpose (calling) of God for each one of us (bilang magulang, anak, estudyante, manggagawa, negosyante).
Under the New Covenant, righteousness is not something we earn through our performance. It is something we receive through faith in Christ. Hindi tayo sumusunod sa Diyos o gumagawa ng mabuti upang maging matuwid; hindi tayo naglilingkod sa Kanya upang tayo’y Kanyang tanggapin; sa halip, namumuhay tayo ng matuwid dahil tinanggap natin ang Kanyang katuwiran.
What if I commit sin? Ito ay mahalagang katanungan na dapat masagot ng sinumang nakakaunawa sa katuwirang natanggap niya kay Cristo. Alalahanin na ang ating katuwiran ay regalo; hindi ito gantimpala sa kabutihang nagawa. Kung gayon, anumang pagkakasala o pagkakamaling nagawa o nagagawa (after born again experience) ay hindi makapag-aalis sa katuwirang tinanggap natin kay Cristo. At hindi rin babawiin ng Diyos ang regalo Niyang katuwiran; ang kamatayan at muling pagkabuhay ni Cristo ang ating seguridad. Hindi ito nangangahulugan na maaari mo nang gawin ang anumang gusto mong gawin kahit masama o hindi tama; hindi ito kalayaan upang magkasala. Tandaan, patay na tayo sa kasalanan. Sin shall not have dominion over our lives. The righteousness of Christ in us is now being expressed through our conduct (actions; behavior).
Mahalagang malaman natin na tayo ay ginawang matuwid sa pamamagitan ni Cristo dahil binabago nito ang paraan ng ating pagtingin sa Diyos, sa ating sarili, sa ibang tao, at sa mga hamong kinakaharap natin sa pang-araw-araw ng buhay. Upang hindi manaig ang anumang negatibong pangyayari o balita sa ating kaisipan, patuloy nating ipahayag at ikumpisal (confess, declare, decree) sa ating mga labi: “Ako ay matuwid na sa harapan ng Diyos; ako ay nilinis, pinatawad, at pinawalang-sala. Ako ay bagong nilalang na kay Cristo, at nananahan sa akin ang Kanyang Espiritu. Ako ay kay Cristo at si Cristo ay sumasaakin. Ako ay tinanggap at minamahal na anak ng Diyos. Amen.”
Elevate: Application Question:
1. Kung ang katuwiran ay kaloob o regalo at hindi nakamtan sa pamamagitan
ng pagsunod sa Kautusan; ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit marami pa ring Kristiyano ang nakadarama na kailangan nilang pagsikapang maging kalugod-lugod sa harapan ng Diyos sa pamamagitan ng mabubuting gawa?